Wednesday, December 1, 2010

Vizconde Massacre







June 30, 1991, gumulantang sa sambayanan ang karumal-dumal na krimen na tumapos sa buhay ng mag-iinang Estrellita, Carmela, at Jennifer Vizconde.

Apat na taon makalipas ang krimen, lumantad si Maria Jessica Alfaro, ang tinaguriang "star witness" itinuro niyang mastermind sa krimen si Hubert Webb, anak ng sikat na aktor at noo'y kongresista na si Freddie Webb, kasama ang lima pang kalalakihan galing sa prominenteng pamilya.

Taong 2000, “guilty" ang hatol sa anim na akusado. Ang sentensiya, habambuhay na pagkakabilanggo.

Pero makalipas ang labingpitong taon, sinasabing hindi pa rin tuluyang natutuldukan ang kaso. Bakit nga ba inabot ng apat na taon bago lumantad si Alfaro? Bakit sinasabing marami sa mga ebidensiya ang hindi binigyang halaga ng korte? Dahil dito, marami ang nagtatanong, guilty nga ba talaga ang mga akusado sa krimen?